Global death toll bunsod ng COVID-19, halos 1.45 milyon na

Pumalo na sa halos 1.45 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 1,449,114 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 271,026.

Sumunod na rito ang Brazil na may 171,998 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 136,238 naman ang death toll sa India habang 104,873 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 57,551
– Italy – 53,677
– France – 51,914
– Iran – 47,095
– Spain – 44,668
– Russia – 38,558
– Argentina – 38,216
– Colombia – 36,214
– Peru – 35,839

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 61,988,054 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 42,787,565 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...