Ayuda sa corn farmers, iginiit

Katulad ng mga magsasaka ng palay ay umaaray na rin ang samahan ng mga magmamais sa kakulangan ng suporta ng gobyerno sa kanilang industriya.

Para kay Roger Navarro, Presidente ng Philippine maize Federation, panahon na para ipatupad ng pamahalaan ang Republic Act 7607 o magna carta for Small farmers sa gitna nang mababang presyo sa bentahan ng mga produktong mais.

Paliwanag ni Navarro, bagaman P80-Bilyung ang iniaambag ng sektor ng mga magmamais sa Gross Domestic Income (GDI) ng bansa ay P1-B lamang kada taon ang inilalaan na pondo para sa kanilang industriya.

“Kaya nga sinasabi namin, kailangan [niya] ng tulong, e ang problema ngayon lalo na nung post harvest, ang palay kasi mayroon siyang tinatawag na support guarantee price , diba ang bila sa kanila ngayon ng gobyerno through NFA is P19.20, e ang mais kasi noong raw ay binibili din ng NF, {kasi ang NFA noong araw ang tawag diyan ay RCA o Rice And Corn Administration…” saad ni Navarro.

Dahil dito ay isinusulong aniya ng Phil. Maize ang mga polisiya na magpapatuloy sa implementasyon ng batas na magbibigay ayuda sa mga katulad nilang maliliit na mga magsasaka ng mais.

Katwiran pa ni Navarro, isa sa mga dahilan ng pagbaba ng presyo ng mais ay ang malawak na impormasyon ng mais na dahilan ng pagbaba ng presyo nito sa lokal na merkado.

Tila nalimutan din aniya ng pamahalaan nang ipatupad nito ang rice tarrification law, na maliban sa mga magsasaka ng palay ay may mga magmamais din.

Isa pa sa tinukoy na dahilan ng pagbaba ng halaga ng mais ay ang kakulangan sa post harvest facilities sa bansa o aabot lamang sa 3 percent ng kabuuang 2.5 million hectares na taniman ng mais.

Aniya, aabot sa 1.1 million hectares ang hindi sakop ng post harvest facility.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong 5 million metric tons ng mais na na-iproduce ang bansa. Sa kabila nito mayroong kakulangan na 4.5 to 5 million metric tons ang bansa.

Ayon pa rito, nasa 25% ang household consumption ng mais habang 75% ay napupunta sa animal feeds.

Sa kasalukuyan ay 30-Milyung populasyon sa Pilipinas ang kumakain ng corn rice bilang kanilang staple food.

Ginagamit din ang mais bilang raw material sa paggawa ng feeds sa baboy at manok, paggawa ng plastic at mantilla.

Read more...