Ginebra pasok sa PBA AFC Finals sa tiring ‘bahala na’

By Jan Escosio November 27, 2020 - 09:49 PM
PBA Photo

Sumunod ang Barangay Ginebra sa Tropang Giga sa 2020 PBA Philippine Cup Finals.

Pumasok ang pukol sa tres ni Scottie Thompson para ibigay sa Ginebra ang kalamangan, 83 – 80, kontra Meralco Bolts isang segundo na lang ang natitira sa laban.

“Tinira ko na lang dahil wala ng oras. Tinira ko na lang at si God na ang nag-shoot nun,” sabi ni Thompson sa kanya matapos ang laban.

Bago ito, nakatabla pa ang Meralco, 80 – 80, sa tres ng beteranong si Reynel Hugnatan.

Ginamit ni coach Tim Cone ang huling time-out para sa kanilang final play.

Nagpakalat ng 20 puntos si Thompson samantalang pinangunahan na naman ni Stanley Pringle ang Ginebra sa kanyang 22 puntos.

Nag-ambag naman si LA Tenorio ng 14 puntos.

Nakabalik sa All-Filipino finals ang Ginebra matapos ang 13 taon.

TAGS: 2020 PBA Philippine Cup Finals, Barangay Ginebra, PBA AFC Finals, Tropang Giga, 2020 PBA Philippine Cup Finals, Barangay Ginebra, PBA AFC Finals, Tropang Giga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.