Tropang Giga pinadapa ang Phoenix, 91-81, para pumasok sa PBA bubble

By Jan Escosio November 27, 2020 - 06:59 PM

Hindi nakaporma sina Matthew Wright at Jayson Perkins kayat pumasok ang Tropang Giga sa finals ng 2020 PBA Philippine Cup.

Umarangkada sa ikatlong yugto ng Game 5 ang TnT sa kanilang semifinal series ng Phoenix LPG Fuelmasters para sa 91-81 panalo.

Hindi na lumingon pa ang tropa ni coach Bong Ravena nang palobohin sa 17 ang kanilang kalamangan sa third quarter hanggang sa huling pitong minuto ng laban.

Muli, binitbit ni Ray Parks ang TnT sa kanyang 26 puntos, 10 rebounds at anim na assist.

Sina Wright at Perkins ay may pinagsama ng 24 puntos at pinangunahan ng nagbalik na si Calvin Abueva ang Phoenix sa kanyang 23 puntos.

Nakuha ng Tropang Giga ang Game 1 at magkasunod na panalo na ang sinungkit ng Phoenix bago naitabla ng TnT ang serye sa Game 4 noong Miyerkules.

Haharapin ng TnT ang mananalo sa ‘do-or-die’ match ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts.

TAGS: 2020 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra, Meralco Bolts, PBA, PBA Bubble, Phoenix LPG Fuelmasters, Tropang Giga, 2020 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra, Meralco Bolts, PBA, PBA Bubble, Phoenix LPG Fuelmasters, Tropang Giga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.