22 police trainees sa Tacloban City nagpositibo sa COVID-19
Aabot sa 22 police trainees sa Regional Police Training Center sa Tacloban City ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Senior Sgt. Lalaine Rosales, information officer ng training center sa San Jose district, ang 22 ay bahagi ng 241 na bagong recruit na mga pulis.
Agad silang dinala sa isolation facility.
Sinabi ni Rosales na pawang asymptomatic naman ang 22.
Oct. 30 nang dumating sa Regional Police Training Center ang 241 na police trainees.
Lima sa kanila ang nakitaan ng sintomas ng sipon at pananakit ng lalamunan at isinailalim sa swab test noong Nov. 13.
Apat sa kanila ang nagpositibo.
Dahil dito isinailalim din sa swab test ang lahat ng kanilang nakasalamuha.
19 pa ang nagpositibo gayundin ang isang mess hall server at dalawang training personnel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.