BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 425,918 na

Mahigit 1,600 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (November 27), umabot na sa 415,067 ang total confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 30,047 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,631 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.3 porsyento ang asymptomatic; 2.5 porsyento ang severe habang 4.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 46 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,255 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 370 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 387,616 o 91.0 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

 

Read more...