P6.8M na halaga ng learning modules nawasak ng Typhoon Ulysses sa Marikina
By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2020 - 02:16 PM
Aabot sa P6.8 million na halaga ng learning modules ang nasira sa in Marikina City dahil sa pagtama ng Typhoon Ylysses.
Ayon ito sa datos mula kay Department of Education (DepEd) National Capital Region Director Malcolm Garma.
Dahil sa insidente, ang DepEd ay kinakailangan ng P7 milyon na halaga para mapalitan ang mga nasirang modules.
Ang klase sa Marikina City ay mananatiling suspendido hanggang sa buong buwan ng Disyembre.
Bunsod ito ng pinsalang naidulot ng Typhoon Ulysses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.