LOOK: Bahay Kanlungan sa QC pormal nang binuksan

Pormal nang binuksan ng Quezon City government ang Bahay Kanlungan, na magsisilbing pansamantalang tahanan na kakalinga sa mga kababaihan at mga batang biktima ng karahasan at pang-aabuso.

Ang pasilidad ay mayroong 60 kama, may play area at activity area.

Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng pasilidad, kasama sina Coun. Mayen Juico, Coun. Shai Liban, Coun. Star Valmocina, Spark! PH Exec. Dir. Maica Teves, Carlo Versonilla ng QC Radio Comms, PCW Rep. Ms. Honey Castro, Don Antonio Heights HOA Sec. Marcia Salvador.

Ang Quezon City Protection Center ang siyang magpapasya kung ang isang kliyente ay kailangan dalhin sa Bahay Kanlungan.

Kung nais magpakalinga sa pasilidad, maaaring magpadala ng mensahe sa Facebook page ng Quezon City Protection Center, tumawag sa 8863-0800 loc 618 o mag-email sa quezoncityprotectioncenter@gmail.com.

 

 

 

 

 

Read more...