Hulk Hogan nanalo sa kaso kaugnay sa kanyang sex video

Hulk Hogan
NYPost

Kinatigan ng Florida Jury ang mga argumento ni Hulk Hogan sa pagdinig sa kanyang isinampang kaso laban sa Gawker.com kaugnay sa kumalat na sex-video ng dating sikat na wrestler.

Sinabi ng Jury na nagkamali ang sikat na online media website na Gawker ng kanilang ilabas ang mahigit sa isang minutong video ng sex-tape ni Hulk Hogan o Terry Bollea sa tunay na buhay.

Ikinatwiran naman ng Gawker na bakit sila lang ang kinasuhan ni Hogan samantalang lumabas din ang bahagi ng mahigit sa 30-minute sex video sa iba pang media show tulad ng TMZ, dirty.com at pati sa The Howard Stern Show.

Sa kanilang desisyon, sinabi ng Jury na pribadong bagay ang namagitan kina Hogan at sa misis ng kilalang Disk Jockey na si Bubba Clem na kanyang kaibigan.

Noong 2012 sa isang media interview ay sinabi ni Hogan na may “consent” ni Clem ang ginawa niyang pakikipagtalik sa asawa ng kaibigan.

Pero hindi niya alam na meron pa lang inilagay na camera sa loob ng silid kung saan naganap ang pakikipagtalik.

Idinemanda rin noon ni Hogan si Clem pero marami ang nagtaka nang iurong niya ang kaso makaraan siyang bayaran ng halagang $5,000 lamang.

Sa inilabas na desisyon ng Jury, inutusan nila ang Gawker na bayaran si Hogan ng kabuuang $60 Million bilang demages para sa kanyang emotional distress at karagdagang $55 Million bilang punitive damages.

 

Sinabi ni Hogan na sa wakas ay makaka-move on na rin siya sabay ang paghingi ng tawad sa mga taong naapektuhan ng kanyang ginawang pakikipagtalik sa misis ng kanyang kaibigan.

 

Sa isang press conference, sinabi ni Nick Denton, founder at pangulo ng Gawker na iaapela nila ang desisyon ng Jury sa nasabing kaso.

Read more...