Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 10,000 pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2020 - 12:12 PM

Umabot na sa 1,437,835 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 269,520.

Umabot naman na sa mahigit 171,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 135,700 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 104,000 na.

Umabot naman na sa mahigit 42.3 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 17.4 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 269,555
Brazil – 171,497
India – 135,752
Mexico – 104,242
UK – 57,031
Italy – 52,850
France – 50,957
Iran – 46,689
Spain – 44,374
Argentina – 37,941

 

 

 

 

TAGS: Brazil, Breaking News in the Philippines, covid death toll, India, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, Breaking News in the Philippines, covid death toll, India, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.