Mataas na presyo ng mga gulay, karne at isda hiniling ni Sen. Recto na pag-usapan ng gabinete

By Jan Escosio November 27, 2020 - 11:35 AM

Sa P537 daily minimum wage sa Metro Manila, isang kilong galunggong at isang kilong ampalaya na lang ang mabibili.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto dahil aniya sa napakataas na presyo ng mga pagkain, gulay, karne at isda.

Aniya dumoble na ang presyo ng mga pagkain at partikular niyang binanggit ang P300 na halaga ng kada kilo ng karne ng baboy.

Nangangamba si Recto kung tatagal pa ang mataas na presyo ng mga pagkain, magtitipid pa lalo ang mga karaniwang Filipino at titiisin na lang ang pagkalam ng sikmura.

At magbubunga ito ng pagtaas ng bilang ng mga nagugutom natin kababayan.

Kayat panghihikayat ni Recto, talakayin ng husto sa susunod na cabinet meeting ang mga maaring gawin para mapababa ang halaga ng mga pagkain at kung maari ay gawin abot-kaya para sa mga ordinaryong pamilya.

Mahirap aniya na sa pakikipaglaban sa pandemya ay kumakalam pa ang sikmura.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, ralph recto, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, ralph recto, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.