Baby ng singer na si Christina Perri pumanaw matapos maisilang

Malungkot na ibinahagi ng American singer na si Christina Perri ang pagpanaw ng kaniyang anak matapos itong maisilang.

Inanunsyo ito ni Perri sa kaniyang Twitter account.

Inilakip sa post ang isang larawan kung saan hawak ni Perri at kaniyang asawa ang kamay ng kanilang anak.

Noong Nov. 12 ibinahagi na ni Perri ang nararansang problema sa kaniyang pagbubuntis.

Magugunitang noong Enero, nakunan na ang singer sa kaniyang pagbubuntis.

 

 

 

 

 

Read more...