LOOK: Pintuan ng Manila Cathedral isinailalim sa restoration
By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2020 - 10:24 AM
Nagsasagawa ng restoration sa pintuan ng Manila Cathedral na gawa sa Bronze.
Sa mga nagdaang taon kasi ay nakitaan na ng kalawang ang pintuan.
Ayon sa The Manila Cathedral, nasasagawa na ng restoration process sa pintuan para malinis at ma-preserve ang heritage pieces nito.
Ang bronze doors ay idinesenyo ng Italian artists na sina Alessandro Monteleone at Francesco Nagni.
Ginawa ito sa Roma at ikinabit sa Manila Cathedral noong 1958 postwar reconstruction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.