Foreign spouses, anak ng mga Filipino citizen pwede nang bumiyahe sa Pilipinas simula sa Dec. 7 – IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force na makabiyahe sa Pilipinas ang mga dayuhang asawa at anak ng mga Filipino citizen.

Simula sa December 7, 2020 pwede na silang bumiyahe sa Pilipinas anuman ang kanilang edad ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kailangan lamang ayon sa IATF, kasama sa biyahe ang Filipino Citizen.

Sasailalim din sa kondisyon ang pagpasok nila sa bansa kabilang na ang pagsailalim nila sa COVID-19 testing at quarantine.

Subject din sila ng maximum capacity ng mga inbound passenger sa port at date of entry.

Inatasan ng IATF ang Bureau of Immigration na bumuo na ng alituntunin hinggil dito para maayos na maipatupad ang polisya.

Inatasan din ang Department of Tourism na maglabas ng guidelines para namamn sa accommodation ng mga uuwing Pinoy at kanilang dayuhang asawa at anak.

 

 

 

Read more...