Global cases ng COVID-19 mahigit 61 million na

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2020 - 10:00 AM

Umabot sa mahigit 530,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes, (Nov. 27) ay 61,281,107 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 104,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Habang mahigit 42,000 naman ang bagong kaso sa India at mahigit 37,000 ang bagong kaso sa Brazil.

Ang Russia na ang pang-apat sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming kaso matapos maungusan ang datos ng France.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 13,245,589
India – 9,308,751
Brazil – 6,204,570
Russia – 2,187,990
France – 2,183,660
Spain – 1,637,844
UK – 1,574,562
Italy – 1,509,875
Argentina – 1,399,431
Colombia – 1,280,487

 

 

 

TAGS: Brazil, Breaking News in the Philippines, covid cases, India, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US, Brazil, Breaking News in the Philippines, covid cases, India, Inquirer News, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.