Tatlo sugatan sa sunog sa Punta Princesa, Cebu City
Sugatan ang tatlong bumbero sa sunog na naganap sa isang bahay sa Barangay Punta Princesa, Cebu City.
Ayon sa Cebu City Fire Station, nagsimula ang sunog alas 3:22 ng madaling araw ng Biyernes (Nov. 27) sa ikalawang palapag ng isang bahay sa Osmeña Village.
Pag-aari ng isang Gilbert Wong ang nasunog na bahay.
Naideklarang fire out ang sunog, 3:42 ng madaling araw.
Ayon kay Fire Officer 2 Fulbert Navarro, tatlo sa kanilang mga bumbero ang nagtamo ng minor injuries nang mag-collapse ang second floor ng bahay.
Agad namang nalapatan ng lunas ang tatlo.
Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.