Bilang ng mga empleyadong isasailalim sa layoff tinaasan pa ng Disney
Mula sa 28,000 na inisyal na planong isailalim sa layoff, sinabi ng Walt Disney Co na aabot na sa 32,000 na mga empleyado nila ang matatanggal sa trabaho.
Ang pagpapatupad ng layoff ay bunsod ng epekto ng pandemic ng COVID-19 sa mga theme park ng Disney.
Ayon sa pahayag ng Disney, karamihan sa mga matatanggal na empleyado ay mula sa kanilang “Disneyland” na simula noong magkaroon ng pandemya ay nabawasan ang bilang ng mga bumibisita.
Ipatutupad ng Disney ang layoffs sa unang bahagi ng 2021.
Ang mga theme park ng Disney sa labas ng Estados Unidos na wala nang outbreak ng COVID-19 ay unti-unti nang nabuksan.
Pero striktong ipinatutupad ang social distancing kaya mababa ang bilang ng mga nakapapasok.
Ang Disneyland Paris naman ay napilitang muling ipasara dahil sa muling pagpapairal ng lockdown ng France.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.