Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 210.21 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (November 27) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 210.42 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.19 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.21 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawassab din na nasa 79.31 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.36 meters.
Ang water level ng San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao,Binga, Magat at Caliraya dams.
Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga at Magat dams.