Mahigit 100 Pinoy na stranded sa Palau simula nang magkaroon ng pandemic, nakauwi na sa bansa

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2020 - 06:54 AM

Dumating na sa bansa ang mahigit 100 Pinoy na stranded sa Koror, Palau mula pa noong magkaroon ng pandemic ng COVID-19.

Ang mga Pinoy ay na-stranded doon dahil sa ipinatupad na travel restrictions.

Lulan ng AirAsia flight na inasikaso ng Honorary Consulate office sa Koror ay napauwi sa bansa ang mga Pinoy.

Samantala, mayroon ding 174 na Overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa galing ng Korea.

Habang mayroon pang 542 na galing sa Saudi Arabia ang dumating lulan ng dalawang magkahiwalay na special flights.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, DFA, Inquirer News, Koror, Overseas Filipinos, Palau, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DFA, Inquirer News, Koror, Overseas Filipinos, Palau, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.