Kamara nagdaos ng necrological service para sa yumaong si Cong. Raul V. Del Mar

Nagdaos ng necrological service ang Kamara para kay yumaong Cebu City 1st District Rep. Raul V. Del Mar.

Isinagawa ang necrological service sa plenary hall sa loob ng Batasan Huwebes (Nov. 26) ng gabi.

Pinangunahan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang seremonya kung saan ipinagkaloob din nito sa pamilya ni Del Mar ang kopya ng House Resolution No. 1355 na nagpapaabot ng pakikiramay ng Kamara sa pagpanaw ng kongresista.

Sa kaniyang eulogy, tinawag ni Velasco bilang “great leader” si Del Mar, “humble public servant” at “pride” ng mga Cebuano.

Sinabi ni Velasco na nagsilbi ding mentor niya si Del Mar.

Sa loob aniya ng 27 na paninilbihan ni Del Mar sa Kamara ay mayroon itong perfect attendance.

 

 

Read more...