Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2020 - 05:42 AM

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Biyernes, Nov. 27 mahina hanggang sa katamtaman na buhos ng ulan ang mararanasan sa Rizal at Batangas sa susunod na mga oras.

Samantala, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan na sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, at sa General Nakar sa Quezon.

Pinapayuhan ang publiko at ang Local Disaster Risk Reduction and Management Offices na imonitor ang lagay ng panahon at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

TAGS: bataan, Bulacan, cavite, LPA, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, rainfall advisory\], Tarlac, weather, zambales, bataan, Bulacan, cavite, LPA, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, rainfall advisory\], Tarlac, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.