LPA magpapaulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area na nasa loob ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang LPA ay huling namataan sa bisinidad ng Bubulong Munti, Bulacan.

Sinabi ng PAGASA na maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA at maaring sa susunod na 24 na oras ay malulusaw ito.

Pero ngayong araw, ang LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, La Union, at Pangasinan.

Easterlies naman ang umiiral sa Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, at Mindanao.

Habang Amihan naman ang umiiral at maghahatid ng mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region.

Nakataas ang gale warning at bawal ang maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga baybaying dagat ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Aurora, Northern Quezon, Camarines Norte, Northern Coast ng Camarines Sur at Northern at Eastern Coast ng Catanduanes.

 

 

 

Read more...