Sugatang sundalo, patay sa pagbagsak ng helicopter sa Lanao del Sur

By Jan Escosio November 26, 2020 - 11:17 PM

Namatay ang isang sugatang sundalo sa pagbagsak ng isang Huey helicopter ng Philippine Air Force sa Madalum, Lanao del Sur Huwebes ng hapon (November 26).

Base sa paunang ulat mula sa AFP – Western Mindanao Command, nagpalipad ng UHH1 helicopter para sa evacuation ng isang sundalong nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa Barangay Lilitun.

Ngunit makalipas ang ilang minuto nang lumipad ang helicopter sakay ang sugatang sundalo ay bumagsak ito.

Nabatid na 350 metro lang ang distansiya ng crash site sa lugar kung saan naganap ang pagsabog ng IED.

Nasaktan naman ang ilan pang sakay ng helicopter, kasama na ang piloto at flight nurse.

TAGS: AFP Western Mindanao Command, Inquirer News, Radyo Inquirer news, AFP Western Mindanao Command, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.