824 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

By Angellic Jordan November 26, 2020 - 11:15 PM

Umabot sa 824 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Miyerkules ng hapon (November 25), hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (November 26).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 431 kung saan 171 ang adult habang 260 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 363.

Isa naman ang nahuli na hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, apat ang nahuling naninigarilyo, 10 umiinom habang 14 sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators, curfew violators, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.