COVID-19 recoveries sa Muntinlupa City, nasa 4,675 na

Umabot na sa 4,891 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Huwebes ng hapon (November 26), sa nasabing bilang ay 58 pa rin ang aktibong kaso.

293 ang bilang ng probable case at 34 ang suspected cases.

Samantala, 4,675 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 158 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...