Bilang ng active cases sa Mandaluyong, nadagdagan pa

By Mary Rose Cabrales November 26, 2020 - 07:08 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Huwebes, November 26, 4:34 PM), umabot na sa 121 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 11 bagong kaso.

Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 5,509 kung saan 10 ang bagong naitala.

Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay nanatili sa 183.

Umabot naman na sa 5,813 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Ang bilang ng probable ay isa habang 227 naman ang suspected cases.

Ayon sa Mandaluyong City Health Department, ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng tinamaan ng virus at suspected cases ay resulta ng mas pinaigting na mass testing at contact tracing sa lungsod.

Ang hakbang ay ginawa upang matukoy at agarang mabigyan ng karampatang lunas ang mga nagpositibo.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Mandaluyong, COVID-19 deaths in Mandaluyong, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Mandaluyong, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Mandaluyong, COVID-19 deaths in Mandaluyong, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Mandaluyong, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.