Limang military bases sa bansa handa na para sa U.S troops

EDCA
Inquirer file photo

Kinumpirma ng U.S na pumayag na sila sa limang mga Military Bases na pagdarausan ng mga susunod na Balikatan excercises at pansamantalang tutuluyan ng kanilang mga pwersa dito sa Pilipinas.

Sinabi ni U.S Deputy Assistant Secretary of Defense Amy Searight na nagkasundo na ang U.S at Pilipinas sa nasabing mga venue.

Kabilang dito ang Antonio Bautista Air Base, Basa Air Base, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Base sa Mindanao at Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu.

Inihayag din ni Searight na darating sa bansa sa susunod na buwan si U.S Defense Sec. Ash Carter para isa-pinal ang ilang mga detalye sa nasabing kasunduan.

Nilinaw ng U.S na bahagi ito ang mga kasunduang nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Sinabi ng U.S na mahalaga ang joint-military exercise sa pagitan ng America at Pilipinas bilang pagpapalakas ng ugnayang-militar ng dalawang bansa.

Aminado naman ang ilang mga analyst na bahagi ito ang pagpapalakas ng pwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Read more...