Lokal na pamahalaan ng maynila magdadag ng pulis sa Divisoria, Recto at Juan Luna

Dadagdagan pa ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtatalaga ng mga pulis sa Divisoria, Recto at Juan Luna na kilalang dinadagsa ng mga mamimili tuwing panahon ng kapaskuhan.

Ito ay para matiyak na masusunod ang health protocols na itinakda ng pamahalaan para makaiwas sa COVID-19.

Panawagan ni Mayor Isko sa mga mamimili, doble-ingat para makaiwas sa sakit.

Ayon kay Mayor Isko nakatutuwa na unti-unti nang nabubuhay ang ekonomiya pero hindi dapat na kalimutan na nagpapatuloy pa ang banta sa COVID-19.

Hindi aniya mapapagod ang lokal na pamahalaan sa paulit ulit na pagpapaalala sa publiko para hindi matamaan ng COVID-19.

 

 

Read more...