Bea Alonzo wala na sa Star Magic

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2020 - 12:08 PM
IG PHOTO

Kinumpirma ng ABS-CBN na nagpasya ang aktres na si Bea Alonzo na umalis na sa Star Magic.

Sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN, nagdesisyon si Bea na ituloy ang career sa ilalim ng bagong talent management.

Inibisuhan umano ng aktres ang ABS-CBN na si Shirley Kuan na ang magma-manage ng kaniyang career at nirerespeto ng network ang kaniyang pasya.

Sinabi ng ABS-CBN na bilang beterano na sa industriya alam nilang mapangangalagaan ni Kuan ang career ni Bea.

 

 

TAGS: ABS-CBN, Bea Alonzo, Shirley Kuan, Star Magic, ABS-CBN, Bea Alonzo, Shirley Kuan, Star Magic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.