Tubig-ulan dapat pag-isipan paano mapapakinabangan – Sen. Grace Poe
Ipinagtataka ni Senator Grace Poe na halos taon-taon ay may isyu sa kakulangan ng suplay ng tubig at problema din ang pagbaha.
Sinabi ni Poe kung mapapag-isipan lang ng gobyerno kung paano pakikinabangan ang tubig ulan ay maaring mabawasan ang problema naman kapag kinakapos ang suplay ng tubig.
Diin ng senadora taon-taon higit 20 bagyo ang dumadaan sa bansa at ilan ay labis na mapaminsala kayat dapat aniya may ginawa ng hakbang para mabawasan naman ang mga pagbaha at paano magagamit ang tubig-ulan.
Sinabi ni Poe maari naman ipunin ang tubig ulan at magagamit ito sa irigasyon, groundwater recharge at pagpatay sa mga sunog.
Diin pa nito, sa halip na palaging purihin ang katatagan ng mga Filipino sa kabila ng mga kalamidad, dapat ay gumawa ng paraan para mailayo naman sila sa kapamahakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.