iRehistro inilunsad ng Comelec

Inilunsad na ng Commission on Elections (Comelec) ang iRehistro na isang online voter registration facility.

Ayon sa Comelec, ang mga nais magparehistro ay maaring bisitahin ang iRehistro sa online.

Doon ay maari na silang magsagot ng application form at magpa-appointment para sa biometrics capture.

Kung mayroong nakatakdang appointments, sila ay mabibigyan ng prayoridad sa Comelec offices.

Maari din namang hindi magpa-set ng appointment at sumabay sa pagpila sa mga walk-in applicants.

 

 

 

Read more...