Ayon kay Commander Severino Destura ng Coast Guard Station-Puerto Princesa lulan ng cargo vessel na Lady Athena ang 17 crew nang magkaproblema ito at lumubog alas 3:30 ng hapon ng Miyerkules (Nov. 25).
Patungo sana ng Puerto Princesa City ang barko.
Patuloy namang pinaghahanap pa ang dalawang nawawalang crew ng barko na kinabibilangan ng kapitan at chief engineer.
Magsasagawa ng imbestigasyon ang coast guard sa kung ano ang naging sanhi ng insidente.
MOST READ
LATEST STORIES