AMLC report, hindi dapat isinasapubliko – Atty. Divina

By Kathleen Betina Aenlle March 19, 2016 - 04:17 AM

binay-0315Hindi dapat isinapubliko ang report ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil ito ay nananatiling confidential hangga’t wala pang kasong inihahain sa korte.

Ayon kay University of Santo Tomas Faculty of Civil Law dean Nilo Divina, maari lamang ilabas ang report ng AMLC kung mayroon nang kasong isinampa sa korte at ito ang gagamiting basehan sa reklamo.

Ang tinutukoy ni Divina ay ang report ng AMLC tungkol kay Vice President Jejomar Binay kung saan sinasabing nagkamal siya ng bilyong piso noong siya pa ay alkalde ng Makati City.

Sinasabi rin na ginamit umano ni Binay ang ilang bahagi ng perang nakalaan para sa mga proyektong pang-imprastraktura gamit ang kaniyang mga dummies, para mapondohan ang kaniyang kandidatura noong 2010.

Ani Divina, kung sinuman ang naglabas ng report nito ay tiyak na laban kay Binay, at maaring hindi naman ito pakana ng mismong AMLC.

Una nang pinabulaanan ng kampo ni VP Binay ang ulat tungkol sa AMLC report at sinabing gawa-gawa lamang ito para mabulilyaso ang kaniyang kandidatura bilang susunod na pangulo ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.