LOOK: Two-way radio ginagamit sa pagtuturo sa isang barangay sa Kalinga na walang internet

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2020 - 08:10 AM

Dahil walang signal ng internet, 2-way radio ang ginagamit na pagtuturo ng mga guro sa isang liblib na barangay sa Kalinga, bayan ng Tabuk sa Apayao.

Ayon sa Department of Education (DepEd) walang internet sa bahagi ng Brgy. Magnao sa Kalinga.

Dahil dito, ang paggamit ng two-way radio ang naisip na paraan ni Teacher-In-Charge Rafael Gonayan ng Magnao Elementary School para magkaroon ng komunikasyon ang mga guro at mga estudyante.

Ang 2-way radio system ang ginagamit ngayon ng 154 na mag-aaral.

Pitong guro din ang araw-araw na nagtutungo sa Magnao Elementaryo School upang magturo gamit ang walkie-talkies.

Habang nagsasagot ng kanilang module, maaring kausapin ng mga bata ang kanilang guro gamit ang two-way radio kung sila ay mayroong katanungan.

 

 

 

 

TAGS: Apayao, blended learning, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, deped, Health, Inquirer News, Kalinga, Magnao, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Apayao, blended learning, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, deped, Health, Inquirer News, Kalinga, Magnao, MGCQ, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.