US$500,000 halaga ng in-kind donations ipinagkaloob ng Korea sa Pilipinas

Ibinigay ni Outgoing Korean Ambassador Han Dong-man kay Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin, Jr. ang in-kind donations ng naturang bansa sa Pilipinas.

Ang mga donasyon kinapapalooban ng 17,664 COVID-19 diagnostic kits, isang set ng PCR at DNA extraction equipment, at 300 sets ng PPEs.

Tinatayang aabot sa US$500,000 ang halaga ng donasyon.

Ang mga ito ay bahagi ng US$ 5-million pledge of assistance ng Korea sa sampung ASEAN Member States.

Maliban sa donasyon ng Korean Government, ang United Korean Community Association at nagkaloob din ng P150,000 na cash at US$2,000 na medical kits sa International Bazaar Foundation (IBF).

 

 

 

Read more...