Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales November 26, 2020 - 06:55 AM

 

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 210.42 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (November 26) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 210.76 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.21 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.51 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan na nasa 79.36 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.35 meters.

Ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Magat dams.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Binga at Magat dams.

TAGS: Angat, Binga, Caliraya., dam, Luzon Dams, Magat, pantabangan, San Roque, Angat, Binga, Caliraya., dam, Luzon Dams, Magat, pantabangan, San Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.