Ika-92 Malasakit Center binuksan sa Benguet
Inilunsad na ang ika-92 Malasakit Center sa Benguet General Hospital sa La Trinidad, Benguet.
Ang pagbubukas ng Malasakit Center ay dinaluhan ni Senador Christopher “Bong” Go.
Ito na ang ikatlong Malasakit Center sa Cordillera Administrative Region at pangalawa sa lalawigan.
Ang dalawa ay nasa Baguio General Hospital at Medical Center in Baguio City.
Sa kanyang mensahe ay siniguro ni Go ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na paghusayin ang Health services sa mga Filipino sa pamamagitan ng universal health coverage.
“Kami ni Pangulong Duterte hindi kami titigil, lalabanan [namin] ang korapsyon diyan sa loob ng PhilHealth […] Pera ng tao ‘yan. Pinagpawisan ‘yan ng lahat ng mga Pilipinong naghuhulog at umaasa sa PhilHealth,” Sabi Go.
“Pinaghirapan rin ng mga overseas Filipino workers ang mga remittances. Halos nagpapakamatay sila sa trabaho sa ibang bansa para lang makapagpadala ng remittances nila sa PhilHealth kaya dapat ibalik sa tao ang pera nila,” saad ni Go sa pamamagitan ng video message.
at para mapaunlad ang access sa quality at affordable healthcare sa bansa ay isinabatas ang iniakda ni Go na Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019.
“Pera ninyo po ‘yan, bakit pa kayo papahirapan pa? Ang pera ng gobyerno ay pera ng Pilipino po. Kaya sabi ko, baka pwede natin (ilagay) sa isang kwarto nalang,” paliwanag nito.
“Itong Malasakit Center po ay para sa lahat ng Pilipino. Walang pinipili ito, walang pulitika ito. Para po ito sa lahat lalo na ang poor and indigent patients. Handa pong tumulong ang Malasakit Center sa kanilang medical at financial needs,” Sabi ni Go.
“Isa lang po ang pakiusap ko kay Doktora [Meliarazon] Dulay at sa lahat po ng mga hospital officials diyan: unahin ninyo po ang mga mahihirap, ang mga walang matakbuhan na pasyente,” pakiusap niya sa hepe ng ospital at kanilang management.
Kalaunan ay kinilala naman ng senador ang patuloy na serbisyo ng government officials at mga mga opisyal ng national agencies para pagsilbihan ang kanilang constituents sa global pandemic.
Kabilang sa mga present sa aktibidad ay sina Benguet Legislative Caretaker and ACT-CIS Partylist Representative Eric Go Yap, Governor Melchor D. Diclas, La Trinidad Mayor Romeo K. Salda, Kapangan Mayor Manny E. Fermin, Secretary Michael Lloyd Dino of the Office of the Presidential Assistant for the Visayas, Assistabt Secretary Ana Marie Rafael-Banaag of the Presidential Communications Operations Office and other officials and representatives from DOH, DSWD, PCSO at PhilHealth.
“Magtulungan lang tayo para sa Benguet. Huwag ho kayong magpasalamat sa amin, dahil trabaho namin ‘yan ni Pangulong Duterte. Kami ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan ninyo kami ng pagkakataon na magserbisyo sa ating kapwa Pilipino […] ibabalik namin sa tao ang serbisyo na dapat sa inyo,” pangako nito.
Bilang chair ng Senate Committee on Health, pinapurihan din ni Go ang mga medical frontliners sa kanilang hardwork at sakripisyo para labanan ang COVID-19 pandemic.
Nangako din ito na itutulak niya ang mga panukalang batas na magsusulong para protektahan ang kapakanan ng healthcare workers.
Si Go ang isa authors ng Republic Act No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5 na magdadagdag sa suweldo ng civilian government employees, kabilang na ang nurses at healthcare workers sa public sector na ipatutupad sa apat na bugso mula 2020 hanggang 2023.
“Patuloy kaming magseserbisyo. Ako po, kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, bagyo, baha, lindol, pumutok man ang bulkan, pupuntahan ko kayo para magbigay ng konting tulong at solusyon sa inyong mga problema,” pangako ni Go.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.