Panukalang batas para tuldukan ang labor-only contracting lusot na sa ikalawang pagbasa sa Kamara

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 7036 na inaasahang makapagtutuldok sa labor-only contracting.

Sa susunod na linggo ay inaasahang sasalang na sa final approval ng Kamara ang panukalang batas.

Bigo naman ang ilang mambabatas maisulong ang nais nilang amyenda sa batas.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal na ang labor only contracting sa mga kumpanya.

May mga probisyon din sa panukalang batas kung saan iboobliga ang mga negosyante na kumuha ng lisensya sa Labor Department.

May mga inilatag ding proteksyon para sa mga relievers, project at seasonal employees.

 

 

 

Read more...