Buong Luzon apektado ng Amihan, Visayas at Mindanao apektado naman ng Easterlies

By Dona Dominguez-Cargullo November 26, 2020 - 05:40 AM

Northeast Monsoon at Easterlies ang dalawang weather system na umiiral sa bansa ngayon ayon sa PAGASA.

Dahil sa Northeast Monsoon o Amihan, ang Cagayan Valley Region at Cordillera Administrative Region ay makararanas ngayong araw ng maulap na papawirin na mayroong mahihinang pag-ulan.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang maaring maranasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon na may isolated na pag-ulan dahil din sa Amihan.

Habang sa Palawan, buong Visayas at Mindanao bahagyang maulap na kalangitan na may isolated na pag-ulan din ang mararanasan dulot ng localized thunderstorms at easterlies.

Sa susunod na tatlo hanggang limang araw ay wala namang sama ng panahon na papasok sa Philippine Area of Responsibility.

 

 

 

TAGS: amihan, Breaking News in the Philippines, easterlies, Inquirer News, NortheastMonsoon, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, amihan, Breaking News in the Philippines, easterlies, Inquirer News, NortheastMonsoon, Pagasa, Philippine News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.