Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa mahigit 60,000

By Mary Rose Cabrales November 26, 2020 - 04:45 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (November 25, 3:00 PM) nakapagtala ng 149 na bagong kaso kaya pumalo na sa 60,546 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,978
Laguna – 16,348
Batangas – 10,539
Rizal – 12,676
Quezon – 5,005

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 6,427.

Nasa 52,495 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 101 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,090
Laguna – 14,838
Batangas – 9,591
Rizal – 11,106
Quezon – 3,870

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 9 kaya umabot na sa 1,624 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 409
Laguna – 355
Batangas – 303
Rizal – 414
Quezon – 143

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.

TAGS: Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, Health, laguna, Quezon, Rizal, Batangas, calabarzon, cavite, coronavirus, COVID-19, Health, laguna, Quezon, Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.