Anak ni VP Leni Robredo na si Tricia, licensed doctor na

Licensed doctor na ang anak ni Vice President Leni Robredo na si Tricia.

Proud na ibinahagi ng bise presidente ang listahan kung saan makikita ang pangalan ng anak na kasama sa mga nakapasa sa 2020 licensure examination.

Nagbahagi din ng larawan si Robredo kasama ang tatlo niyang anak na nagdiriwang.

May caption ang larawan na “Doctor na si Tricia!!!”.

Si Tricia ay nagtapos ng dual degree ng Doctor of Medicine and Master of Business Administration sa Ateneo School of Medicine and Public Health.

 

 

 

Read more...