86 na bagong COVID-19 cases, naitala sa Western Visayas

Nagpositibo ang 86 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 25, umakyat na sa 19,262 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

1,847 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 80.08 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

36 naman ang gumaling pa kaya 16,872 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 543 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...