Meralco, TNT nakapuwersa ng ‘do-or-die’ game

By Jan Escosio November 25, 2020 - 11:27 PM
PBA photo

Kapwa pinaabot ng Meralco Bolts at TNT Tropang Giga sa Game 5 ang kanilang magkahiwalay na semifinals series sa 2020 PBA Philippine Cup.

Tinalo ng Bolts ang Barangay Ginebra, 83-80.

20 segundo na lang ang natitira sa laro, 80-79, lamang ang Ginebra nang maipasok ni Rey Hugnatan ang isang long jumper para makaungos ng isang puntos, 81-80.

Tumira si Stanley Pringle ngunit sinupalpal siya ni Raymond Almazan.

Samantala, kumamada ng 36 puntos si Rayray Parks para bitbitin ang Tropang Giga kontra Phoenix LPG, 102-101.

Nagbuhos si Parks ng 17 puntos sa huling yugto ang laban.

Nabuhayan pa ng loob ang Phoenix sa huling minuto ng laro nang sumablay ang dalawang freethrows ni Jayson Castro at pumasok ang tres ni Matthew Wright, 100 – 98.

Ngunit naipasok ni Parks ang dalawang freethrows may apat na segundo pa, 102 – 98 at muli rin nagpasok ng tres si Wright para sa huling iskor.

Sa Biyernes ang Game 5 ng serye.

TAGS: 2020 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra, Inquirer News, Meralco Bolts, PBA, Radyo Inquirer news, TNT Tropang Giga, 2020 PBA Philippine Cup, Barangay Ginebra, Inquirer News, Meralco Bolts, PBA, Radyo Inquirer news, TNT Tropang Giga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.