Sinabi ni Tolentino na sa pag-iikot niya sa bansa napatunayan niya na may kakayahan pa ang mga Filipino at may mga lupain pa rin na maaring pagtaniman.
Ito ay sa kabila ng patuloy na komersiyalismo, makabagong teknolohiya at mga oportunidad sa ibang bansa.
Hindi rin naman itinanggi ni Tolentino na nagbago na rin ang pananaw ng ating mga kababayan.
Aniya kapag nagawa ng gobyerno na muling mapasigla ang sektor ng agrikultura sa bansa sa katuwang ang mga kabataan ay tiyak na ang food security ng Pilipinas.
Kasabay pa nito ay ang paglago at pagsigla ng ating ekonomiya.
MOST READ
LATEST STORIES