Baguio Night Market, posibleng buksan muli sa December 1

By Jan Escosio November 25, 2020 - 11:12 PM

Binigyan na ng ‘go signal’ ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagbabalik-operasyon ng night market sa Harrison Road simula sa unang araw ng Disyembre.

Sinimulan na ang pagsasaaayos sa lugar at ayon kay Baguio Market Supt. Fernando Ragma Jr., mayroon nang nabuo na operational guidelines para sa night market.

Kasama rin sa nabalangkas ang health and safety protocols.

Nabatid na 50 porsiyento lang sa kabuuang 481 concessionaires ang pinayagan na makapagtinda at sila ay hinati pa sa dalawang grupo na magtitinda lang kada dalawang araw.

Nagtakda rin hanggang dalawang metro na distansiya sa pagitan ng mga puwesto.

Ipinanukala na ang operation time ng night market ay 8:00 hanggang 11:30 ng gabi.

TAGS: Baguio Night Market, Harrison Road Baguio, Inquirer News, Mayor Benjamin Magalong, Night Market during pandemic, Radyo Inquirer news, Baguio Night Market, Harrison Road Baguio, Inquirer News, Mayor Benjamin Magalong, Night Market during pandemic, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.