South Korea nag-donate ng medical kits sa Pilipinas

DFA photo

Nag-donate ang South Korean government ng medical kits sa Pilipinas kasabay ng paglaban sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Personal na tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang COVID-19 diagnostic kits, PCR and DNA extraction equipment at ilang personal protective equipment (PPE) mula kay Ambassador Han Dong-man.

Nagkakahalaga ang nasabing donasyon ng US $500,000.

Maliban dito, inabot din ni Ambassador Han kasama ang presidente ng United Korean Community Association ang donasyong P150,000 cash at US$2,000 halaga ng medical kits sa International Bazaar Foundation (IBF).

Kasama rin si IBF Chairperson Mme. Maria Lourdes Locsin sa tumanggap ng donasyon.

Nagpasalamat naman si Locsin kay Ambassador Han para sa kontribusyon nito sa magandang relasyon ng Pilipinas at South Korea at para sa suporta nito sa development agenda at infrastructure drive ng Pilipinas.

DFA photo

Read more...