Sen. Tolentino bumisita, namahagi ng relief goods sa Bicol
Binisita ni Senator Francis Tolentino ang mga lugar sa Catanduanes at Albay na labis na sinalanta ng Super typhoon Rolly.
Namahagi si Tolentino ng relief materials sa mga bayan ng San Miguel at San Andres sa Catanduanes, gayundin sa kapitolyong bayan ng Virac.
Ang mga nabanggit na bayan ang labis na nakaranas ng pananalasa ng bagyong Rolly.
Sumunod na pinuntahan ng senador ang Albay at nagtungo ito sa Guinobatan, gayundin sa mga bayan ng Camalig, Ligao, Tiwi, Malinao at Malilipot.
Namahagi siya ng relief materials sa mga residente na nawasak ang bahay at kabuhayan hindi lang ng bagyong Rolly kundi simula ng bagyong Quinta at nasundan ng bagyong Ulysses.
Inanunsiyo na rin nito na nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Human Settlement and Urban Development para sa programang pabahay at relokasyon ng mga nawalan ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.