Active COVID-19 cases sa Muntinlupa City, nasa 43

Umabot na sa 4,867 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (November 25), sa nasabing bilang ay 43 pa rin ang aktibong kaso.

234 ang bilang ng probable case at 43 ang suspected cases.

Samantala, 4,666 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 158 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...