Dahil sa malakas na ulan, hindi natuloy ang testimonial review ng Philippine Army para sana kay retiring AFP Chief of Staff Gregorio Pio Catapang Jr.,sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Nakatakda sanang isagawa sa Hunter’s Guerilla Parade Ground ang testimonial review na dadalugan ng mga opisyal at tauhan ng Philippine Army sa pangunguna ni Army Commanding General Lt. Gen. Hernando Irriberi.
Walang abiso kung matutuloy pa ang testimonial review dahil sa darating na Biyernes ay bababa na sa puwesto si Catapang, ang ika-apat na pu’t limang AFP Chief of Staff at nagsilbi lang bilang pinuno ng hukbong sandatahan ng bansa ng isang taon.
Nagsilbi si Catapang bilang Vice Chief of Staff at pinamunuan niya ang AFP Northern Luzon Command matapos magsilbing commander ng army 7th Infantry Division.
Miyembro si Catapang ng Philippine Military Academy Dimalupig class of 1981 at Reform the Armed Forces Movement (RAM) na nag-aklas laban sa yumaong Pangulong Ferdinand Marcos na naging daan naman para maupo sa puwesto ang ina ni Pangulong Noynoy Aquino, ang yumaong Pangulong Cory Aquino. / Jan Escosio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.