Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na mauuna siyang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 bago pa man turukan ang nga residente sa lungsod.
Ayon kay Mayor Isko, ito ay para ipakita na ligtas ang bakunang gagamitin ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa alkalde, may nakatabi ng P200 milyong pondo para ipangbili ng bakuna.
Humihirit din si Mayor Isko sa Sangguniang Panlungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na magdagdag ng P50 milyon upang ipangbili ng nasabing gamot para mas maraming Manilenyo ang mabigyan ng libreng bakuna.
Pinaplano na rin aniya ng lokal ng pamahalaan kung sino ang mga unang tuturukan ng bakuna.
MOST READ
LATEST STORIES